Friday, 2 February 2018

MARRIED LIFE

Wifery: OA, lampa, malamya, madaling madisgrasya pero masarap magluto, mapagmahal at maasikaso. Yun nga lang, clumsy (tawag ni Husbandry sa kanya).

Husbandry: Mapang-asar, bully, mapagbiro pero malambing, mapagmahal (din) at higit sa lahat, appreciative sa luto ni Wifery (kaya ang taba ko na). Yun nga lang, madalas akong sabihan ni Wifery ng "You are rude, RUDE FERNANDEZ!!!" kapag inaasar o kaya binu-bully ko siya.

Isang gabi, sa bed bago matulog:

Husbandry: Sino ang asawa ni Rude Fernandez?

Wifery: Si Lorna?

Husbandry: Hindi.

Wifery: Si Alma?

Husbandry: Hindi rin.

Wifery: E sino???

Husbandry: Si CLUMSY SUPSUP!!!

Wifery: Hihihi

Rude Fernandez loves Clumsy Supsup


Clumsy Supsup loves Rude Fernandez



No comments: