Friday, 24 October 2014

Sunday, 16 March 2014

CHOICES

Habang nagdi-dinner pagkatapos ng February 14 JS Prom:

Me: Water or softdrinks?
GF: Softdrinks. (She knows I'm not into softdrinks.)
Me: Jolibee o McDo?

Tiningnan lang niya ako. Walang kibo. Puzzled sa pinagsasabi ko.

Me: Sagutin mo ang tanong ko.
GF: McDo. Ano ba ito, ha?
Me: Basta sagutin mo na lang. Rudy Fernandez o Philip Salvador?
GF: Rudy.
Me: Nora o Vilma?
GF: Nora.
Me: GMA o ABS?
GF: ABS.
Me: Flowers o Chocolates?
GF: Chocolates.

Boom! Ito na ang sign!

Me: Yes buti na lang!!! (At inilabas ko mula sa bag ko ang mga chocolates na dala ko. Wala akong nabiling bulaklak dahil nakalimutan ko. Dumaan na lang ako sa 7-11 para bilhin ang mga chocolates.

GF: Thanks! I love you, dada! 
Me: I love you, ma.

February 25, our best date ever.

February 27:

Habang kumakain kami (uli) sa bahay nila pagkatapos ng 9pm class namin:

Me: Gusto ko nang mag-asawa. (sa tonong hindi seryoso)
GF: Talaga? Kelan? ( sa tonong di din seryoso)
Me: Ngayong summer na ako magpapakasal.
GF: Alam na ba ng pakakasalan mo ang plano mo?

Nagtuloy ang usapan sa paraang pabiro. Tawa lang kami ng tawa na parang naglalaro.

Me: Hindi pa. Di pa kasi sapat ang ipon ko. Baka gutumin siya piling ko.
GF: Naku, e di pakawalan mo siya kung saan madaming damo!
Me: Kaya mo ang ganun?
GF: Ang magpakasal ka o ang kumain ng damo?
Me: Ang magutom.
GF: Siyempre hindi! Gagawa ako ng paraan.
Me: Na pigilan akong magpakasal o para makakain ng mas madaming damo?
GF: Hay naku kakain ako ng sariwa at mas madaming damo, no?!
Me: (Lungkut-lungkutan face ako. Kawawa ang itsura ko sa drama ko. Hindi pala: kawawang-kawawa!)
GF: O bakit?
Me: (Pinangatawanan ko na ang drama, napasubo nako e.)
GF: Hoy ano ka ba bakit bigla kang nagkaganyan?
Me: (Pinatakan ko ng tubig ang agusan ng luha sa mukha ko.) Isusumbong kita kay Ima (nanay niya.)
GF: Hoy mister alam ko love na love ka ni Ima pero anong drama ito?
Me: A basta isusumbong kita kay Ima.
GF: (Nag-make face at nang-aasar na.)

February 28:

As usual nasa dining table nila uli ako, nakikikain:

Me: Ima, magpapakasal na kami ng anak nyo. (hanep kung maka-casual a.)
Ima: Kayo din pala bandang huli bakit niyo pa pinatagal? (mas hanep na sagot mula kay Ima hehe.)
GF: Dada ano ka ba?
Me: Pinag-usapan na natin ito kagabi, remember? Willing ka pa ngang kumain ng damo e hehehe...
GF: (wala na, umiyak na, nagdrama na, at di na din tinapos ang pagkain.)

Nung gabi ding iyon napagkasunduan namin na ang kasal ay sa...






May 17, 2014, Saturday.

Friday, 3 January 2014

Masabaw na Biyernes!


Kapag ganitong bakasyon inaabutan ako ng araw sa higaan. Malamig dito sa bukid. Malambot ang malalaking unan (na lang). Ang sarap kayang humilata :-)


Masaya sina Coco at Kaka.

Ang mga Aspin ko.

Libot sa likod ng bahay...

Hmmm... mukhang pwede a...

Kaunting tingala pa.....

Tatlong hakbang pa at tumingla uli... PWEDE!!!

Niluto ko ang kalahati. Dyaraaaannnn!!!!!

 Pagkagising sa hapon, tuloy ang ikot sa paligid ng bahay. Oh my petsay! hmmm...

 Agad pumunta sa harap ng bahay, at nagmamayabang siya!

Ang hapunan...



Ano kaya uli ang ulam bukas?

Thursday, 2 January 2014

Baler, Aurora Trip (Dec.26-28, 2013)

Ilang araw pa lang ang bakasyon pero naiinip na ako. Di ako sanay na walang ginagawa. Kaya naman kahit wala sa plano ay gumala ako. Pero kinalkula ko muna ang budget para sa ilang araw na bakasyon, at kung sa pagbabalik ay may pang Media Noche pa. Check!

Ito ang unang biyahe ko na wala na si M. Tuloy ang buhay!
Di ako makakuha ng pic mula Cabanatuan hanggang Pantabangan, Nueva Ecija.
Sa masikip na D'Liner ako nagsumiksik dahil paalis na ito. Kumusta naman ang long-legged legs ko? Masyado na akong gagabihin kung hihintayin ko ang aircon bus.
Maulan kaya kaunting gala sa paligid, kain at natulog na.

Good morning Baler!












In one of the souvenir shops.

Before 1979, Aurora was part of the province of Quezon. Aurora was, in fact, named after Aurora Aragon, the wife of Pres. Manuel L. Quezon, the president of the Philippine Commonwealth, after whom the mother province was named. Below is the house of Aurora Aragon.







The Baler Cathedral.

An old photo of the church.







The Museo de Baler.



Yan ang kabuuan ng maghapon kong paggala.


Dahil nakakapagod ang mahabang biyahe, sinigurado kong sa aircon bus ako makasakay
nung pauwi na para komportable. Kaya naman na-enjoy ko ng husto ang magandang tanawin.






Hanggang sa susunod, Baler!