Friday 27 January 2012

Lumang Bahay

Tuwing nakakakita ako ng lumang bahay ay naaalala ko ang kinalakihan kong bahay, pati na sina laking (lolo) at baing (lola).




Ang mga nakakatakot na mga life size photos ng mga taong hindi ko naman kilala...
Ang mga tunog na langitngit ng makakapal na sahig at pintong tabla...
Ang mga kakaibang katre na may dalawang mukhang T-account sa magkabilang dulo na nagsisilbing sabitan ng kulambo...
Ang dulang na nagagamit lamang kapag kakain na...
Ang ang telebisyon na may apat na sakang na paa at de susi pa...
At ang napakaraming alaala ng aking limot nang kabataan...





Sayang dahil giniba na ang bahay na yon bago pa bumigay dahil sa malalaking baha na kanyang pinagdaanan sa tagal ng panahon. Nagkawatak-watak na ang iba't ibang bahagi na bahay, gaya ng pagkakahiwa-hiwalay din ng mga taong lumaki at nagkamalay sa bahay na yon upang magkaroon ng sariling pamumuhay.

4 comments:

Kiks said...

maganda ang bahay. reminds me of a house i once lived in... hindi naman magkabahay tayo? lol.

aboutambot said...

hehe cguro nga magkapitbahay tayo.

CHRISTIAN said...

shattered memories? :)

aboutambot said...

perhaps...