Habang nagdi-dinner pagkatapos ng February 14 JS Prom:
Me: Water or softdrinks?
GF: Softdrinks. (She knows I'm not into softdrinks.)
Me: Jolibee o McDo?
Tiningnan lang niya ako. Walang kibo. Puzzled sa pinagsasabi ko.
Me: Sagutin mo ang tanong ko.
GF: McDo. Ano ba ito, ha?
Me: Basta sagutin mo na lang. Rudy Fernandez o Philip Salvador?
GF: Rudy.
Me: Nora o Vilma?
GF: Nora.
Me: GMA o ABS?
GF: ABS.
Me: Flowers o Chocolates?
GF: Chocolates.
Boom! Ito na ang sign!
Me: Yes buti na lang!!! (At inilabas ko mula sa bag ko ang mga chocolates na dala ko. Wala akong nabiling bulaklak dahil nakalimutan ko. Dumaan na lang ako sa 7-11 para bilhin ang mga chocolates.
GF: Thanks! I love you, dada!
Me: I love you, ma.
February 25, our best date ever.
February 27:
Habang kumakain kami (uli) sa bahay nila pagkatapos ng 9pm class namin:
Me: Gusto ko nang mag-asawa. (sa tonong hindi seryoso)
GF: Talaga? Kelan? ( sa tonong di din seryoso)
Me: Ngayong summer na ako magpapakasal.
GF: Alam na ba ng pakakasalan mo ang plano mo?
Nagtuloy ang usapan sa paraang pabiro. Tawa lang kami ng tawa na parang naglalaro.
Me: Hindi pa. Di pa kasi sapat ang ipon ko. Baka gutumin siya piling ko.
GF: Naku, e di pakawalan mo siya kung saan madaming damo!
Me: Kaya mo ang ganun?
GF: Ang magpakasal ka o ang kumain ng damo?
Me: Ang magutom.
GF: Siyempre hindi! Gagawa ako ng paraan.
Me: Na pigilan akong magpakasal o para makakain ng mas madaming damo?
GF: Hay naku kakain ako ng sariwa at mas madaming damo, no?!
Me: (Lungkut-lungkutan face ako. Kawawa ang itsura ko sa drama ko. Hindi pala: kawawang-kawawa!)
GF: O bakit?
Me: (Pinangatawanan ko na ang drama, napasubo nako e.)
GF: Hoy ano ka ba bakit bigla kang nagkaganyan?
Me: (Pinatakan ko ng tubig ang agusan ng luha sa mukha ko.) Isusumbong kita kay Ima (nanay niya.)
GF: Hoy mister alam ko love na love ka ni Ima pero anong drama ito?
Me: A basta isusumbong kita kay Ima.
GF: (Nag-make face at nang-aasar na.)
February 28:
As usual nasa dining table nila uli ako, nakikikain:
Me: Ima, magpapakasal na kami ng anak nyo. (hanep kung maka-casual a.)
Ima: Kayo din pala bandang huli bakit niyo pa pinatagal? (mas hanep na sagot mula kay Ima hehe.)
GF: Dada ano ka ba?
Me: Pinag-usapan na natin ito kagabi, remember? Willing ka pa ngang kumain ng damo e hehehe...
GF: (wala na, umiyak na, nagdrama na, at di na din tinapos ang pagkain.)
Nung gabi ding iyon napagkasunduan namin na ang kasal ay sa...
May 17, 2014, Saturday.