Monday, 28 August 2017

Sayang

Pagkatapos naming maghiwalay ni M ay kung anu-ano na ang nangyari sa kanila ng ipinalit niya sa akin.

Sa pagpasok nila sa open relationship, na hindi pwede sa akin noong kami pa. Kung sinu-sino na marahil ang nakaniig nila pareho. Pati ako ay pilit na isinasali sa mga laro nila na napagtagumpayan ko naman tanggihan.

Na-hold up at nakuha ang mga mahahalagang gamit gaya ng pera, credit cards, ATM, atbp. Ang mga ito ay gamit sa naumpisahan naming business ni M noong kami ay bago pa lang. Tumiwalag na din ako business at kinuha na ang parte ko.

At nitong huli, ang pagkakaroon nila ng problema dahil sa droga. Mahabang kuwento. Pero ngayon ay nagtatago na sila sa isang malayong probinsiya.

Kung patuloy pa din sila sa open relationship, ayaw ko ng malaman pa.

Kung patuloy pa din ang inumpisahan naming business, hindi ko na alam. Pero nabanggit niya noon sa text na ayaw na niya dahil napapagod na siya.

Kung hindi na sila gumagamit ng bawal na gamot, bahala na sila. Matatanda na sila. Alam na nila ang ginagawa nila. Lalo't doktor ang ipinalit niya sa akin.

Kahit papano ay nalungkot ako sa kinahinatnan ni M. May panahon pa. Sana magbago na siya...

 

No comments: